Jump to content


Photo
- - - - -

How I learned to invest in the stock market

stock market investment savings truly rich club bo sanchez

  • Please log in to reply
No replies to this topic

#1 bahalanasibatman

bahalanasibatman

    PMD Intern

  • PMD Bronze 2 Group
  • PipPip
  • 19 posts

Posted 25 June 2017 - 07:29 AM

Hello! I just want to share how I learned to invest in the stock market.

Matipid talaga akong tao. So pagkapasa ko sa medical board exams, meron pa naman akong savings mula sa monthly baon na binibigay sa akin dati ng parents ko. Wala pa akong masyadong thoughts about earning money noon.

Fast forward to a few months later, after trying out various pre-residencies and not liking them (masyado akong idealistic pa noon), I found my savings dwindling. Kinausap din ako ng nanay ko na kukunin na ng tatay ko yung inooffer sa kanyang early retirement package kasi tutal, tapos na kaming magkakapatid sa pag-aaral. Yun na ang wake up call ko na kelangang ayusin ko ang buhay ko.

Moonlight dito, moonlight doon. Kahit di masyadong masaya sa ginagawa basta kumita ng pera. Ayoko na kasing maging pabigat sa mga magulang ko.

Fast forward to another few months. Pagod na ako. Di ko alam kung ano na bang direksyon ng buhay ko. Bakit nga pala ako nagdoktor?

Kaya ako'y napaattend ng Holy Week Retreat nina Brother Bo Sanchez sa PICC noong year na yun. Naririnig ko na ang tungkol sa kanya dati pero never ko pa syang narinig na magsalita. Doon ko nalamang Catholic din pala sila. To be fair, magandang experience ang retreat na yun. Kahit nakakailang noong una na mataas ng kamay to worship the Lord, after a while nalimutan ko na ang hiya ko as I lifted up to Him all of my concerns and frustrations. Afterwards, para akong nabunutan ng malaking tinik. Walang magic na suddenly nawala lahat ng problema ko. Nagbago lang ang perspective ko kaya handa na ulit akong harapin ang challenges sa buhay.

Isa na doon ang paghahanap ng mas effective way ng pagtitipid. Kahit na preacher itong si Bro Bo, e hindi naman siya yung taong impraktikal na puro na lang dasal ang tinuturo. Noong unang panahon daw, ganun sya. Pero as years went by, narealize nyang hindi sya effective na nakakatulong sa kapwa dahil mahirap sya. So dahil sa kanyang kagustuhang makatulong inaral nya kung paano magbusiness at paano mag-invest sa stock market. At di sya tumigil doon. Noong gets na nya kung paano, inishare nya sa iba ang natutunan nya.

Isinulat ni Bro Bo ang librong "My Maid Invests in the Stock Market" para ikwento kung paano niya itinuro sa kasambahay nya ang pag-iinvest. Binasa ko ang librong yun at napaisip akong, "Kung kaya ng maid nya, mas kaya ko ito."

Doon sa libro, may invitation na sumali sa "Truly Rich Club (TRC)" ni Bro Bo. Pinuntahan ko ang website at nakitang for a monthly fee, padadalhan ka nila ng newsletters, MP3s ng talks ni Bro Bo about business, money matters and other stuff. Nakasulat doon sa newsletters kung ano ang recommended stocks na bilhin sa stock market. Ang platform na gagamitin to invest ay ang online stock broker na COL Financial owned by Edward Lee. For just a minimum of Php 5,000.00 pwede ka nang mag-open ng stock market account sa kanila.

Ang balak ko noong una ay itry out lang for a few months itong TRC. Sa totoo lang, madali lang palang mag-invest pag sinunod mo yung guide sa newsletters. Ang mahirap ay ang pagkontrol sa emotions kasi sa una mukhang nalulugi ang perang ini-invest mo monthly. But as I continued to follow the steps, di na ako masyadong emotional about investing and eventually, nakita ko ngang mas effective ngang method of saving itong investing kesa ipunin ko ang pera ko sa savings account sa bank. The few months trial period turned into years at ngayon, isa akong loyal member ng Truly Rich Club at satisfied customer ng COL Financial.

Mas may sense itong pagtatrabaho ko ngayong malinaw na sa akin kung para saan ba itong ginagawa ko. And I have to thank the MP3s on the "other stuff" that I get from Bro Bo monthly. Talks about family, relationships, dreams and goals... Kaya pala siya "Truly Rich Club," gagawin ka nilang rich di lang financially but also emotionally, spiritually at kung anu-ano pa-lly.

So, kung binasa mo ito up to the end, I guess interested ka ring malaman ang tungkol sa stock market a TRC. Please copy and paste this link on your browser para madirect ka to their website: http://gilliweeed.trulyrichclub.com/

Also, nagbibigay si Bro Bo ng regular talks about Stock Market investing. Meron syang talk this coming July 29, Saturday sa PICC, CCP Complex, Pasay City. Again, copy and paste the link below to your browser to find out more about it: http://gilliweeed.tr...kmarketseminar/

And for any other questions, chat tayo. Reply to this chat topic and keep it active. ☺





Also tagged with one or more of these keywords: stock market, investment, savings, truly rich club, bo sanchez